November 17, 2009

Mga kailangan kong matutunan

Sa lalong madaling panahon, kailangan ko nang malaman kung paano gawin ang mga ito:


1. mamalengke

Malaman kung sariwa ang isda, baboy, baka, at kung anu-ano pa. Kung paano malalaman kung hinog na at pwede nang kainin ang prutas. Alin ang magandang talong. Ano ang mura at ano ang hindi. Marunong naman akong tumawad.

2. magluto

Pati na rin baking.

3. mag-alaga ng bata

Marunong naman ako. Ayoko lang ng mga challenging tasks like paglinis sa puwet pag tumae at magkaroon ng tiyagang maghele kung kailangan. Di bale, matagal tagal ko pa naman kailangan ito. Saka na yang mga action plans during baby tantrums.

4. maglaba nang maayos at mamalantsa na rin

5. bawasan ang tantrums

6. higit sa lahat, MAGBIGAY. EEEEKKK!

3 comments:

rotsss said...

yung items 1-4 tingin ko pwede i-delegate.

yung last 2 na lang ang focus =P

gonewiththewave said...

ya, lalo yung number 6! :-)

Chureezee said...

HAHAHA. I-delegate talaga no?

Ang hirap ng last, I swear.