September 29, 2008

Mama naman e


Kain tayo sa labas, gusto ko ng steak
Ma, Jollibee na lang, ayoko na ng Chinese food
Punta tayong Anna Liza's, gusto ko ng asado
Bilhan mo ko nung cheese mamon
Gusto ko ng muffins
Ma, bili ka ng cake sa Cafe Esperanza
Ma, tabihan kita
Nood tayo ng tv
Anong nangyari kahapon?
Nanonood ka ba?
Makinig ka sa kwento ko
Homer, Homer, Homer, Homer
Samahan kita sa Gateway
Samahan kita magshopping
Tulog tayo sa hotel
Puntahan kita sa opisina mo
Sunduin mo ako
Bakit lagi ka sa Baguio?
Dito ka naman mag-weekend a
Mag o overtime ka ulit?
Ma, tawag ka, may sugat ako
Ma, masakit ang ulo ko
Ayokong magpadoktor na mag-isa
Kung may sakit ako, ayoko ng ibang mag-aalaga
Gusto ko ikaw lang
Ma, papakasal na ko
Ma, may sasabihin daw sa yo si Homer
San tayo ngayong summer?
Sama ako sa yo sa kasal
Pwede akong tumabi sa presidential table?
Sama ako sa fiesta
Manonood ulit ako nung beauty pageant
Wag ka na mag-opisina
Magkwentuhan na lang tayo
Samahan mo na lang ako rito
Akin na lang tong regalo mo
Ma, buksan ko na yung mga gifts mo ha?
Gusto ko ng tsokolate
Ma, kain na tayo
Bakit kasi ayaw mo?
Ma, ang arte mo
Ma, sa ilalim ng Mangga tayo kumain
This is the life
Timplahan kita ng kape
Anong iniisip mo?
Anong problema mo?
Ma, may bisita ka na naman
Huwag ka nang magbowling
Huwag ka nang magtabletennis
Huwag ka nang magballroom
Andito na nga ako e
Ma, huwag mong bilhin yan
Huwag ka nang bumili niyan
Binabasa mo ba lahat ng magazine subscriptions mo?
May bagong damit ka na naman?
May bagong sapatos ka na naman?
Hindi bagay sa yo
Ma, masyado kang maraming accessories
Tinatago mo pa
Masyado kang magastos
Saan ka pupunta ngayon?
Pwede akong sumama?
I miss you ma.

No comments: