March 16, 2008

Damdamin at Pagkain

Panahon na naman ng matinding pangungulila ko sa nanay ko. Kaya kung anu-ano na namang pagkain ang nabili ko.

Kanina bumili ako ng abokado na mahihinog daw bukas. Siyempre kailangan ng asukal (white) at ang di pinong gatas na Bear Brand. Yihiii. Nalalasahan ko na siya!

Bumili rin ako ng mansanas, yung Fuji apples. Ayoko nung pulang pula kasi ayoko ng parang bulak na texture. Para lang hindi ako magkape sakaling antukin ako e dapat mag aral e. Kumuha rin ako ng leche flan sa Coop. At paubos na ang mga Snickers at Nestle Crunch ko. Pero marami pa naman akong stock ng Kettle Corn Caramel Pop Corn, Blueberry flavored wafers, Nagaraya, Rebisco Choco Sandwich, Sunkist mango juice, Bear Brand Sterilized (ang sarap ng gatas na to no) at Chips Ahoy.

Pero sabi kanina sa Sunday Service: 'All we need is God.'

All I need is God.

At saka nakakapagod din ang pagnguya at paglagok no.

No comments: