December 23, 2007

Merry Christmas!

Pano ba magpasko ang isang ulila
Sa tingin ko naman ay masaya
Dala ang ala ala
Ng aking ama at ina
Haharapin ko ang lamig ng gabi
At sariwang simoy
Ng malulutong na halakhak
At maliligayang kanta

Pano ba magpasko ang isang ulila
Sa tingin ko ay maganda
Kasama kahit mapait na luha
Ng matinding pangungulila
Na nagpapatunay
Na walang kapantay
Ang pagmamahal na nakuha
Noong sila ay buhay pa

Para kay mama at papa

No comments: