May 11, 2007

Hello world

Okay hindi ito Java or C program na una kong natutunan sa DISCS sa Ateneo.

Antagaaal ko nang hindi nagsulat, antagal hindi nagbasa ng kaso at komentaryo, antagal hindi nagagagawa ang aking araw araw na paglalakad, antagal nang hindi tumataas sa isang libo ang perang hawak ko na masasabi kong akin.

Pero masaya ako. Binabasa ko yung 'Your Best Life Now' sa orihinal na bersiyon. Iniisip at iniintindi ko rin ang iba't ibang estilo ng pangangampanya ng mga politiko. At idol ko si Abe Purugganan para Congressman sa La Union. Napaka epektibo kasi kahit nakabibingi minsan ang kanyang kantang hango sa temang kanta ng Palibhasa Lalake. Pati pamangkin ko e biglaang kinakanta kanta ito kung naaalala niya. Pati yung komunikasyon niya ng kanyang plataporma at kwalipikasyon (haay) e nasa komiks. Naaalala ko pa yung banda na parang ganito.

'O, bakit kailangan mo pang mag aral ng Masters?'
'A, tinatapos ko lang naman ang MBA ko sa Ateneo de Manila, etc...'

Pati ang pagkadakip sa kanya noon dahil sa pagsapi sa mga kudeta noong bandang 1989 e isinama niya. Nakalagay sa komiks yung headline noon ng inquirer. Oo nga naman di ba. Kaya imbes na negatibo sana e pinagmamalaki niya ang pakikipaglaban nila noon para sa pagbabago.

At gusto ko rin si Russel Sobrepena para maging Mayor sa amin. Kasi naging undersecretary siya ng Department of Tourism noon, maraming koneksiyon at kung anu ano pa. At sana naman maging instrumento siya para makahikayat ng kapital para sa Caba. Kahit na siguro totoo yung sinabi ng kaibigan ko na nag a alcohol siya basta nakikipagkamay at kahit hindi marunong ng Ilocano.

****

Last weekend, i 'toured' Lem here in Baguio. My ate and Homer were laughing and kinda worried how i would manage to, since i always get lost in this city. Haha. Well, at least i knew where the public market was when he wanted to buy some vegetables. Although i took the longer cut and blurted out he was brat in front of the vendor, haha.

And i started getting anxious when he told me he read the codal on Evidence already. I promised myself i'd do that after the elections.

Enjoy muna no. Yeah, yaya muna. At least malamig dito sa Baguio.

No comments: