August 18, 2006

How sweet it is to be loved by you

Haha.


Ang saya lang ng buhay kung may nagmamahal sa yo. Na kahit ano ka pa o kahit ano pang gawin mo o gaano nakaririndi ang pag-uugali mo o nakasasakit sa tenga ang pa ulit ulit na reklamo mo, mamaya nagtatawanan na naman kayo na parang walang nangyari. Kahit mawaldas mo pa ang perang pinaghirapan niya o hindi ganon ka aya aya ang resulta ng mga pinaggagagawa mo, aakuin pa ang responsibilidad kahit ikaw ang mali.


Minsan ba, naiisip mo hindi mo dapat nakukuha yung mga ganong klaseng regalo.


Wala lang, madalas kasi naipagwawalang bahala ko lang ang lahat ng kagandahang ito.


Kaya sana tulungan ako ni Lord, magtuluy tuloy sana ang pagpapakabait ko.


Kung bakit kasi minsan, hindi ko ma control ang mga nararamdaman ko. Bira nang bira. Puwede naman mag antay ng isang oras, huminga ng malalim, bago magsalita. Pero bakit sa isang araw e ubos na ang monthly call allocation ko sa Globe?


Pero laking pasasalamat ko, kasi ang saya ng buhay.


Supermegacorny pero totoo. Seryoso. Sayang lang sana purong Filipino. Nawawala tuloy ang moment.


Harhar.


Pero walang lokohan to.

No comments: