April 18, 2005

When Sunday is like any other

Grabe. Ang sarap pala ng walang trabaho. Apat na taon akong diretso na Pasko lang ang mahabang pahinga. Sinabay ko pa ang pag aaral ko tuwing Sabado.


Ang gaang isipin na pag hapon na ng Linggo e hindi mo na kinakailangang gumising nang maaga ulit kinabukasan. May oras akong maglinis ng bahay. May oras akong magtapon ng mga gamit ko sa kwarto na matagal nang nakaimbak lang. Pwede akong magFriendster at YM nang umaga.


Pwede akong magpadentist na hindi lunchtime. Naabutan ko na yung dermatologist ko. Nakaka punta ako ng Baguio at kung saan saan kung kailan ko gusto. Nakakapanood ako ng DVD sa umaga. Nakakapagluto ako sa kusina. Nakakatawag sa telepono na hindi alintanang sobrang aga pa lang o sobrang gabi na.


Grabe. Ang sarap.

1 comment:

joyce said...

savor it. feel blessed that you have that opportunity. : )