March 17, 2005

Why i eavesdrop

SM: three salesladies conversing


Girl 1: Oy, alam niyo
Girl 2: Bakit
Girl 1: Hindi naman sa pagmamayabang. Pero sa lahat ng naging boyfriend ko, basta naghihiwalay kami, ako ang dahilan. Third party.


Mart 1: mommy at the door of the fitting room


(We were lining up to fit.)
Mommy: Marami pa kaming damit na ififit...
(No response from queue)
Mommy: Magaling yan. First honor, K7. Talo lahat ng classmates niya.
Saleslady: Ah, kaya naman pala andami niyong binibiling damit.
(Britney hit plays in the background)
Mommy: Pati sayawan magaling yan.
Mommy: Ang talino.
Saleslady: Ma'am, isusukat niyo rin itong pink
Mommy: Oo ba. Ang init kasi, e sa closing, open air. Matalino kasi ito. Kaya kailangan umattend ng program.


Somewhere down the road


(Old lady gets off a tricycle.)
Old lady: Ito na iho, pasensiya ka na dito sa sampu. Fifteen thousand lang kasi ang bonus ko.
Trike driver: Okay na ho yang 10. Ang swerte niyo a. Ang laki ng bahay niyo.
Old lady: Dapat lang. Nasa States ang mga anak ko. Hindi ba kami makapagpapatayo ng bahay na ganito. Dapat lang.


Friends in a bus


Friend 1: Ewan ko nga sa itsura kong to, pero, sa totoo lang, andami ko nang lalakeng napaiyak.
Friend 2: Talaga
Friend 1: Oo, meron pa ngang mga kasal na tapos pupuntahan ako at iiyakan pa rin ako kung babastedin ko sila.

2 comments:

mcoy said...

great stuff :)

joyce said...

nyahaha!